Bagong sistema sa taping, ipatutupad ng GMA-7

January 22, 2019
Gabby Concepcion & Jennylyn Mercado

Picture kasama si Bong, nilinaw ni Dennis.

Mukhang nag-pictorial na sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado para sa rom-com series na pagtatambalan nina sa GMA-7, ang Love You Two. May bagong litrato kasing lumabas ang dalawa na kuha sa photoshoot.

May ibinalita pala si Gabby sa paraan ng taping ng Love You Two, pero hindi nagdetalye.

“Bago ang lahat... In my experience, this will be the first time any production will ever practice this new system of taping. Dito lang sa GMA. Abangan ang mga bagong pagbabago sa bagong romcom teleserye ng GMA.

Gagayahin ba ng GMA-7 ang US na tinatapos muna ang taping ng buong season bago ang airing para hindi naghahabol ng oras at hindi napupuyat at napapagod nang husto ang mga involved sa show?

Malalaman natin kung anong bagong sistema ng taping ang binabanggit ni Gabby ’pag nakausap siya o kaya ang mga bossing ng network.

* * *

Siguradong masaya ang The IdeaFirst Company at October Train, mga producer ng Born Beautiful na magbubukas starting today, dahil ibinaba ng MTRCB ang classification nito mula sa R-18 to R-16.

Ibig sabihin, makakapanood nito ang 16-year-old moviegoers.

Sa post ni Noel Ferrer, manager ni Akihiro Blanco na kasama sa cast ng Born Beautiful, sinabi niyang,  “The MTRCB, on second viewing of Born Beautiful -- at ngayon’y mainit-init pa -- reconsidered the appeal and made the change of classification from R18, ito ay R16 na!

“Masaya si Direk Perci Intalan at ang cast nito... at pinapupurihan ang progresibo at bukas na isip ng MTRCB headed by Chairman Rachel Arenas!”

* * *

Nabasa ng followers ni Jennylyn sa Instagram (IG) ang palitan ng “I love you” ng aktres at ni Dennis Trillo.         Si Dennis ang unang nag-“I love you” sa post ni Jennylyn ng litrato niyang bagong gising daw siya.

Sumagot si Jennylyn ng “@dennistrillo I love you too” na kinakiligan ng fans.

Dahil doon, umingay uli ang panawagan ng kanilang fans na magpakasal na sila.

Pero nang makausap si Dennis sa taping ng Cain at Abel, sabi niya, nagpaplano silang pakasal, pero hindi sila nagmamadali.

Nangako siya na ipapaalam sa press ’pag nag-propose na siya sa GF.

Sa ngayon, busy ang dalawa sa kani-kanilang career at sa parte ni Dennis, hindi pa tapos ang Cain at Abel, may ipalalabas siyang pelikula, ang Mina-Anud, tapos, may On The Job2 pa.

May mga movie offer din siyang pinag-aaralan.

Samantala, mainit na usapin pa rin sa Instagram (IG) ni Dennis ang pinost niyang picture nila ni Bong Revilla sa eroplano nang magkasabay galing yata sa Cebu sa Sinulog.

Nilinaw ni Dennis na nagkatabi lang sila sa plane ni Bong, ang dami ng isyu at humihirit pa rin ang netizens.