BF ni Glaiza na si David bistado na ng pamilya

May 22, 2020
Glaiza de Castro and David Rainey

SA sariling resthouse in Baler, Aurora inabutan ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro  ng lockson kasama ang kanyang parents na sina Boy at Cristy Galura at ang kanyang Irish Boyfriend na si David Rainey. Ito bale ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama sila ng kanyang nobyo na matagal kaya sobra itong napalapit nang husto sa kanyang mga magulang at pamilya na rin ang turing sa kanyang boyfriend.

Dahil sa tagal nila sa Baler, natuto silang mamuhay doon tulad ng isang local at mabilis umanong nakapag-adjust si David sa buhay-probinsya which he is enjoying at kasama na rito ang pagsakay sa tricycle, paggu-grocery at pamamalengke.  Maging sa gawaing bahay ay tumutulong umano si David.

Since pareho nang nasa marrying age sina Glaiza at David, hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay mag-propose na si David sa kanyang Filipina singer-actress girlfriend.

Glaiza is 32 at 31 naman si David.

Kung may lovelife ngayon si Glaiza, umaasa naman ang singer-actress na magkaroon na rin ng bagong boyfriend ang kanyang bestfriend, ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.