Catriona ipinagmamalaki rin ang Australia

December 22, 2018
Catriona Gray
Catriona Gray. AFP / Noel CELIS

KAHIT bandila ng Pilipinas ang bitbit ng 2018 Miss Universe na si Catriona Gray, very proud din sa beauty queen ang mga Australiano dahil alam nilang sa 50% of her blood ay Australian at sa Cairns, Australia siya isinilang.

Si Catriona ay may Australian dad, si Ian Gray habang Filipina (from Oas, Albay) naman ang kanyang Ina na si Normita Ragas Magnayon.  Ang mga magulang ni Catriona ay personal na sinaksihan ang Miss Universe final competion last Monday, December 17 sa Impact Arena in Bangkok, Thailand.

Dumating sa bansa si Catriona last Wednesday afternoon galing Bangkok, Thailand lulan ng private plane ng dating gobernador ng Ilocos Sur na si Chavit Singson.  Kasama sa kanyang entourage, ang anak ni Gov. Chavit at isa sa pitong hurado ng 2018 Miss Universe, ang arthitect-entrepreneur na si Richelle Singson-Michael maging ang sports host at news reporter na si Dyan Castillejos na siyang nagbigay ng blow-by-blow account ng Miss Universe journey sa Bangkok, Thailand ni Catriona.

Since ang ABS-CBN ang naging official broadcast TV network ng 2018 Miss Universe, malamang na mag-guest si Catriona sa iba’t ibang TV programs ng Kapamilya Network at kasama na rito ang “Rated-K” ni Korina Sanchez na mapapanood this Sunday, December 23 ng gabi.

Kasama sa kanyang itinerary ang kanyang courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte na naganap sa Villamor Airbase.