Dominique magna cum laude

January 23, 2020

SUPER proud ang longtime partners, ang business tycoon na si Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto sa kanilang unica hija, ang 25-year-old na si Dominique Cojuangco na nagtapos na magna cum laude sa kanyang kinuhang second degree course in Merchandising and Marketing at the Fashion Institute of Design & Merchandising in San Francisco, California, USA last year.

Unang nagtapos si Dominque ng Fashion Design sa Instituto Marangoni in London in 2017 at muli siyang kumuha ng kanyang pangalawang kurso at nagtapos in San Franciso, California, USA nung 2019.

Sa kabila ng kinasangkutang matinding kontrobersiya ng kanyang inang si Gretchen at pamilya nito nung isang taon, never na nakialam at nakisawsaw si Domique gayundin ang kanyang amang si Tony Boy.

Samantala, meron nang non-showbiz boyfriend si Dominque pero ayaw nitong i-share ang identity ng guy being a private person.