Home>Entertainment>Showbiz>EA may surprising revelation about Shaira

EA may surprising revelation about Shaira

MAY surprising revelation sina EA Guzman at Shaira Diaz tungkol sa kanilang first meeting na mapapanood sa latest vlog ng aktor.

Kuwento ni EA, hindi siya love at first sight, “Nagsimula siya, nag-guest ako sa isang reality show nila kung saan contestant siya. Nag-rehearsal kami, so wala deadma lang ako. Ako naman, kasi

EA Guzman and Shaira Diaz
EA Guzman and Shaira Diaz

every time na bababa ako ng kotse, magpapabango ako. Tapos, after rehearsal, uwi. Wala, deadma, wala akong naramdaman na kahit ano na gusto ko siya, na nagagandahan ako sa kanya.”

Dagdag naman ni Shaira, siya rin daw ay hindi agad nahumaling sa aktor, “’Yung rehearsal kasi sa G-Force, pagkita ko sa kanya, naka-sando lang siya ‘yung [kita] ‘yung kili-kili. So, siyempre, dahil naka-sando nga, kita ‘yung buhok sa kili-kili, ‘di ba? So sabi ko, ‘Ano ba yan?’ Sasayaw kami siyempre hindi naman maiiwasan na mapawisan. So, nandoon pa lang, medyo nandiri ako kasi siyempre may mga yakap yakap tapos pawis siya. Malay ko ba kung ano ‘yung amoy noong kili-kili niya ‘non.”

Nakakatuwa man ang first encounter nila, hindi ito naging hadlang para diskartehan ni EA si Shaira sa muli nilang pagkikita. Sabi pa niya, para raw nag “slow mo” ang mundo kaya unti-unti siyang gumawa ng paraan para lalong mapalapit sa aktres.

Ngayon ay nagdiriwang na sila ng ika-7 taon na anniversary bilang magkasintahan at nagbahagi rin sina EA at Shaira ng mga advice para lalong patatagin ang mga long-term relationship sa YouTube channel ng binata.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal