Eddie ayaw gumamit ng double sa mga action scene

June 11, 2019
Eddie Garcia

UP to this writing ay wala pa rin kaming nakukuhang update sa kalagayan ng movie icon na si Eddie Garcia na nag-collapse last Saturday (June 8) morning sa taping ng bago nitong ginagawang action-drama TV series sa GMA, ang “Rosang Agimat” na pinagbibidahan ng Kapuso young star na si Gabbi Garcia at pinamamahalaan ng action director na si Toto Natividad.

Si Eddie ay nailipat na sa Intensive Care Unit (ICU) ng Makati Medical Center mula sa Mary Johnston Hospital in Tondo, Manila kung saan siya unang isinugod.

Base sa kanyang mga naunang tests, ni-rule out na ang heart attack, heatstroke at aneurysm na siya umanong sanhi ng pagkabuwal ng movie legend habang ito’y kinukunan ng eksena with Romnick Sarmenta sa ikatlong palapag ng tenement building sa Smokey Mountain in Tondo.  Hindi rin umano totoong ito’y napatid ng production cable wire kaya ito bumagsak.

Kahit 90 years old na si Eddie, hindi umano ito pumapayag na magpa-double sa mga action scene.

Patuloy pa ring umaasa at nanalangin ang mga taga-industriya ng pelikulang Filipino na sana’y malagpasan ng veteran actor ang pinakamatinding pagsubok sa kanyang buhay.

Eddie is one of the well-loved showbiz personalities in the industry dahil sa kanyang pagiging humble,  ang kanyang pagmamahal at pagiging professional sa kanyang trabaho at hindi mapantayang pakikipag-kapwa-tao.  Labas pa rito ang kanyang pagiging isang mahusay na actor at director na maraming beses na ring kinilala at ginawaran ng iba’t ibang parangal.

The movie veteran turned 90 last May 2.

Samantala, ilan na ring mga kilalang personalidad na malalapit sa movie icon ang dumalaw tulad nina Robin Padilla, Phillip Salvador kasama ang dating special assistant ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte  at bagong halal na senador na si Bong Go.  Dumalaw na rin kay Eddie ang actress-director na si Bibeth Orteza na siyang unang nagsabi na hindi atake sa puso ang dahilan kung bakit nag-collapse ang veteran actor.