Iba’t ibang laro, kinanta ni Gary V

November 24, 2018
Gary Valenciano
Gary Valenciano

Parang hindi sumailalim ng operasyon sa puso at nagka-cancer si Gary Valenciano nang mag-perform sa mall show ng album na Awit at Laro na ginawa sa Ayala Mall The 30th sa Ortigas Center.

Kasi naman todo sa-yaw at hataw ang ginawa ng Mr. Pure Energy. Sure kaming alam ng mga tao na he had a heart operation pero ang tindi ng kanyang energy na kanyang ipinamalas. Kaya naman enjoy na enjoy ang audience.

Awit at Laro is an album na produced ni Gary V. katuwang si Bambi Manosa ng Tukod Productions na years ago ay ginawa ang LARO campaign sa Ayala Alabang Mall. Said project won an award.

“This will be an album for children as suggested by my wife Angeli (Pangilinan) and it has become an advocacy,” sambit ni Gary.

Maraming singers ang pumayag na sumali sa project na ito.

Kabilang sa mga mang-aawit at songwriters ay sina Ogie Alcasid, Morisette Amon, Joey Ayala, Bamboo, AC Bonifacio, Sam Concepcion, Yeng Constantino, Billy Crawford, Anne Curtis, Bullet Dumas, Darren Espanto, Gloc 9, Lara and the AMP Band, Janella Salvador, Julie Anne San Jose, KZ Tandingan, TNT Boys, Gary Valenciano, Kiana Valenciano, Katrina Velarde at Lea Salonga.

Kabilang sa mga well-loved songs of our youth na kasama sa album ay Bahay Kubo, Sitsiritsit-Alibangbang, Leron Leron Sinta, Paruparong Bukid, Magtanim ay Di Biro, Pakitong-Kitong, Sarung Banggi, Atin Cu Pung Singsing, Nanay Tatay at Bawat Isa Sa Atin.

Ang mga featured laro naman na ginawan ng kanta ay ang Patintero, Tagu-taguan, Piko, Luksong Tinik, Sipa, Tumbang Preso, Jak en Poy, Pitik Bulag, Touch Move at Saranggola.

Sabi ni Gary, “Hindi naman masama ang maglaro ng gadget pero may laro tayo noon na nilalaro natin outside the comfort of our homes. Nilalaro natin ito kasama ang ating mga kaibigan and we had so much fun. Sana  ’yung mga bata ngayon ay ma-experience din nilang laruin ang mga laro which we enjoyed playing during our childhood days.”