Joyce, engaged na sa video director-BF

March 01, 2019

Suot ni Joyce Ching sa presscon ng Dragon Lady ang kanyang engagement ring dahil a few days before the presscon, she got engaged to Kevin Alimon, isang video director.

Ibinalita ni Joyce sa Instagram (IG) ang magandang balita.

“So, this happened three days ago.”

Ang daming nag-congratulate kay Joyce kabilang sina Marian Rivera, Barbie Forteza, Bea Binene at Derrick Monasterio, na mga ka-batch niya sa Tweenhearts.

Nag-congratulate rin sina Thea Tolentino, Sofia Andres, Rodjun Cruz, Bianca Umali, Gabbi Garcia, Martin del Rosario, Lauren Young, Miles Ocampo, Janine Gutierrez, Joyce Pring, Lovely Abella, Mikee Quintos, Ella Cruz, Diva Montelaba, Ynna Asistio, Ash Ortega, Chariz Solomon, LJ Reyes, Valerie Concepcion, Carla Abellana at iba pa.

Nag-congratulate rin si Gina Alajar kay Joyce na isa sa mga idolo niya at rason kung bakit Film ang kinuhang kurso sa MINT College.

“Ano ba!!! Tweens lang ikaw dati! Now engaged !!! What can i say but i am happy for you Joyce! He is a blessed man to have you... Congratulations my dear!”

Anyway, hindi pa naman ikakasal si Joyce, kaya tuloy muna ang pagiging artista nito.

Saka, balak pa niyang i-praktis ang natutunan sa Film at gustong magsimula munang magdirek ng short film.

Habang wala pa ’yun, busy si Joyce sa taping ng Afternoon Prime na Dragon Lady na airing na sa March 4, pagkatapos ng Eat Bulaga sa direction ni Paul Sta. Ana.

“Ako si Astrid Chua rito, ang kontrabida ni Janine Gutierrez. First full-blown contravida role ko ito at excited at natsa-challenge ako.

“Sa age at sa physical aspect, ang laki ng challenge sa akin dahil older at mas matangkad sa akin sina Tom at Janine. Gagawin ko na lang ang best ko para ma-portray nang mahusay si Astrid,” pangako ni Joyce.