Maja at Kim muling nag-bonding

August 13, 2019

NAGKAROON ng lamat ang pagkakaibigan nina Kim Chiu at Maja Salvador nang maging boyfriend ni Maja ang ex-boyfriend na noon ni Kim na si Gerald Anderson. Sina Kim at Gerald ay nagkahiwalay nung 2010 pero bago si Maja ay sandaling nagkaroon ng relasyon noon si Gerald kay Bea Alonzo.  Sina Gerald at Maja ay nagkahiwalay in 2015 at nakabalikan naman ng Kapamilya actor si Bea in 2016 matapos nilang gumawa ng pelikula, ang “How To Be Yours.” Pero kamakailan lang, iniwan ni Gerald sa Bea sa ere at muli silang nagkahiwalay.

Sa pagsasama kamakailan nina Kim at Maja sa Amerika para sa Kapamilya Fiesta show in New Jersey, USA, muling nakapag-bonding ang dating mag-best friends at nakapamasyal pa sila ng  New York na malapit lang sa New Jersey.

Ayaw nina Kim at Maja na makisawsaw sa issue ng ex nila dahil pareho na silang masaya sa kanilang respective lovelife ngayon, si Kim sa actor-turned director-producer na si  Xian Lim at si Maja sa nakabalikan nitong boyfriend, ang businessman na si Rambo Nunez.