Nanibago

November 24, 2018
Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Aminado si Kathryn Bernardo na talagang nanibago siya while filming Three Words to Forever kasama sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion simply because wala ang ka-loveteam niyang si Daniel Padilla.

“Of course, big, big adjustment for me and hindi ko naman sasabihin na naging madali siya kasi, ang tagal, mga 6 or 7 years kong kasama ko si DJ (Daniel) ang alam mo ‘yun, pag pupunta ka sa set, ‘yung ‘di mo siya makita, weird, weird siya,” pahayag ni Kath sa mediacon para sa pelikula held last Thursday.

Pero talaga raw tinanggap niya ang pelikula knowing na wala si DJ dahil bukod nga sa kasama niya sina Sharon at Goma ay napakaganda pa raw ng materyal.

“Nu’ng in-offer kasi ’tong movie of course with Tita Sharon and Tito Richard, and narinig ko ’yung story, ang ganda-ganda and gusto ko siyang gawin kasi anak ako, eh, member ako ng family, and gusto ko, maka-relate... ako ’yung mag-represent na ’yun sa mga youth once they watch the movie na parang, ‘okay, gets ko siya,’ ako ’yung parang boses ng mga anak,” sey pa ng young actress.

Sa first few days daw ng shooting ay nangangapa pa raw silang lahat bukod pa sa Ormoc pa ang shooting.

“Out of town pa ’yung shoot so ’di ka makakauwi sa house mo, alam mo ’yung ’di mo makikita ’yung ibang tao, but then, after a week maybe, or 2 weeks, du’n na ’yung parang okay na,” kwento ni Kath.

At siyempre, napaka-laking bagay din daw ang ’di matatawarang supor-tang ibinigay sa kanya ni Daniel.

“Kung gaano niya ako sinuportahan sa movie na ’to, grabe, hindi nagkulang si DJ du’n sa support,” she said.   

Matatandaang talagang lumipad pa si DJ sa Ormoc para bisitahin ang girlfriend since hindi nga sila nagkikita. At makikita naman sa nag-viral na video na talagang tuwang-tuwa si Kathryn nang makita ang boyfriend.

“Kasi ang tagal ko siyang hindi nakita, eh. And then parang na-recharge ako nang makita ko siya na parang “okay, ready na ulit.”

Sabi naman ni Shawie, “at saka nang tumalon siya kay DJ, muntik akong sumali.” Tawanan.

Patuloy naman ni Kathryn, siyempre, malaking tulong din daw sa kanya na kayanin ang pelikula without DJ ay si Direk Cathy Garcia-Molina.

“Parang nanay ko siya sa industry and ang laking bagay ng guidance niya, kapag kinakausap niya ’ko. ’Yun. Direk Cathy did help as always. Inalagaan niya ako.

“Wala lang siya nga-yon, nag-e-edit, pero grabe po ’yung stress at ’yung binigay niya dito sa movie na ‘to. ‘Yung dedication ni Direk Cathy, grabe,” sabi pa ni Kath.

Nang matanong naman kung ano ang masasabi niya sa relasyon nila ngayon ni Daniel in just three words, ani Kathry, “I am happy” na ikinakilig ng fans na naroroon.

She added, “ang sarap ngayon na mag-share na lahat, ganito ka-open, simula nang sabihin namin last presscon ’yung totoong status namin.

“But really, kami ni DJ, I’m the happiest when I’m with DJ. Yes, kasi hindi lang siya boyfriend, eh. Kaibigan mo rin, sasabihan mo sa lahat, kung paano siya sa family ko,” saad ni Kath.

Showing na ang Three Words to Forever sa Nov. 28 nationwide at kasama rin sa pelikula sina Joross Gamboa, Tommy Esguerra, Liza Lorena and Freddie Webb.