‘Pagkawala' ni Julia, marami ang nababahala

March 09, 2019
Julia Montes
Julia Montes

WALA pa ring bagong teleserye itong si Julia Montes.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nasusundan ang kanyang huling ginawang teleserye na Asintado sa Kapamilya network. Hindi rin siya nakasama sa nakaraang Christmas Station ID ng network at maging sa premiere night ng kanyang sariling pelikula. At tanging balita lang sa kanya ay ang pagbabakasyon niya sa piling ng kanyang ama sa Germany.

Kamakailan, naging mainit ang usap-usapan tungkol sa diumano'y pagbubuntis ng young actress. Hindi na bago ang ganitong tsismis lalo na 'pag biglang nawawala sa eksena ang isang artista. Sa totoo lang, isa itong palaisipan kung bakit hindi pa rin siya bumabalik sa bansa. Marso na! Firstly, Julia's career is still hot. Secondly, her vacation seems to have been prolonged, which is unusual for busy actress like her. Wala pa ba siyang project? Sa panahon ngayon na maraming nagsusulputang bago, madali kang makalimutan ng tao 'pag hindi ka nila nakikita. Remember that "out of sight, out of mind" is so true in showbiz. For sure, alam ito ng kampo ni Julia. At maraming fans ang nababahala.

Gano'n na ba sila  kakampante na kahit kailan gustong bumalik ni Julia ay hot pa rin siya? Natigil na ang usapin tungkol sa diumano'y pagbubuntis niya matapos itong pabulaanan ng kanyang kampo. At mismong si Julia ang nagsabi na hindi siya buntis. Maging si Coco Martin na kanyang rumored boyfriend, wala ring inaamin. Kung sabagay, hindi pa naman sila umaamin na may relasyon nga sila.

Ilang buwan na ang nakaraan, hindi pa rin bumabalik sa Pinas ang aktres. Balak ba niyang mag-stay nang isang taon sa Germany? Just asking..

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com