Sam nalungkot sa hiwalayang James at Nadine

January 23, 2020

SAMANTALA, nalungkot din ang isa sa mga kaibigan ng dating magkasintahang James at Nadine na si Sam Concepcion sa hiwalayan ng dalawa pero ganoon daw talaga ang buhay may mga pinagdadaanang pagsubok to make them stronger.  Pero tulad ng magkapatid na Yassi at Issa, wala umanong nabago sa kanilang pagkakaibigan nina James at Nadine kahit hiwalay na ang dalawa.

Si Sam ay nakausap namin sa kanyang rehearsal ng kanyang upcoming musical play, ang  “Joseph, The Dreamer” na ginanap sa Bulb Studio in Makati last Wednesday evening.

Katatapos lang ni Sam gawin ang hit primetime TV series na “The Killer Bride” na nagtapos sa ere last Friday, January 17.

“I’m so thankful sa lahat ng mga nakasama at nakatrabaho ko sa “The Killer Bride.  I miss them now,” pagtatapat ng singer-actor-dancer.

After his break-up with Kiana Valenciano, Gary V’s youngest and only daughter, wala umano siyang bagong kasintahan ngayon and Kiana remains to be his friend up to this day ganun din ang pamilya nito.  Katunayan, ang eldest brother ni Kiana na si Paolo Valenciano ang director ni Sam sa kanyang bagong musical play, ang re-staging ng “Joseph, The Dreamer” where he plays the title role.  Ito’y produced ng Trumpets, Inc. at nakatakdang ipalabas sa Maybank Theatre in BGC Arts Center on February 21 to March 6, 2020.

Bukod sa musical play, nakatakda ring simulan ni Sam ang ika-3rd season ng zombie series na “Halfworlds” ng HBO Asia kung saan niya kasama ang Kapuso young star na si Bianca Umali mula sa direksyon ni Mikhail Red. Ang first two seasons ng “Halfwords” ay tinampukan at dinirek ng ibang Asian actors and directors. First Filipino actors at director  sina Sam at Bianca at Direk Mikhail na mapi-feature sa HBO Asia.

Since malaki ang kinakain na oras ng isang musical play, paano mina-manage ang kanyang time.

“There’s always time for everything,” pahayag niya.

Nang tanungin namin ang binata kung kumusta  na ang lagay ng kanyang puso ngayon, sinabi nito na single pa rin siya hanggang ngayon pero masaya umano siya sa rami ng sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya ngayon.

Nagsimula si Sam sa stage when he was five na kanyang minana sa kanyang parents na sina Raymund and Gene Concepcion na parehong stage actors noon at kung saan minana ng singer-actor-dancer-host ang kanyang talent.