Sen. Tito at Helen muling ikinasal

September 24, 2019

MULING ikinasal ang mag-asawang Senate President Vicente `Tito’ Sotto III at ang kanyang singer-actress wife of 50 years na si Helen Gamboa nung nakaraang Linggo, September 22, 2019 sa St. Thomas Aquinas Parish in Sto. Tomas, Batangas kung saan sila unang ikinasal matapos silang magtanan nung 1969.  Ang nasabing okasyon ay dinaluhan hindi lamang nga mga anak ng mag-asawa kundi maging ang kanilang mga apo at ibang kaanak maging ang kanilang mga kaibigan in and out of showbiz at sa larangan ng pulitika.

Kumpleto ang apat na mga anak nina Tito Sen at Helen na sina Romina, Diorella ‘Lala,’ Gian at Ciara maging ang kanilang walong apo ( six boys and two girls). Naroon din ang mga kapatid ni Tito Sen na sina Val, Vic at Maru with their respective wives.  Kasama ni Vic ang wife niyang si Pauleen Luna.  Dumalo rin ang isa sa mga barkada ng magkapatid na Tito at Vic na si Joey de Leon.  Silang tatlo ang pillars ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” na kamakailan lamang nag-celebrate ng 40th year.

Kasama naman ni Ciara Sotto ang kanyang Fil-American boyfriend na si Ian Austin maging ang four-year-old son ni Ciara sa kanyang ex-husband na si Jojo Oconer na si Crixus.

Helen was at the peak of her career nang magtanan sila ni Tito Sen na noo’y member ng Tilt Down Men kung saan isa sa members ay ang elder brother ng senador na si Val Sotto.

Matapos magtanan at magpakasal sa simbahan, muling ibinalik ni Tito Sen si Helen sa pamilya nito at tatlong beses lamang umano sa loob ng isang linggo sila puwedeng magkita hanggang sa muli silang ikasal sa simbahan nung January 1971.

Nung kabataan ni Helen, siya’y naging runner-up kay Cynthia Ugalde bilang Miss Press Photography of the Philippines.  Siya rin ang tinaguriang ‘Dancing Queen’  nung dekada sisenta at isa sa Stars of the 60s biilang  singer, dancer, TV host at actress.    

Samantala, after their golden wedding anniversary, Tito Sen and Helen look forward to spend many  more years as a couple.