Mister pinatay sa harap ni misis

February 13, 2020

Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang isang lalaki sa harap mismo ng kanyang misis nitong Huwebes ng madaling araw sa lungsod Quezon.

Kinilala ni PCpl. Rodney Bay-os, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang biktima na si Valentine Baltazar Guerrero,  27-anyos ng Abra St., Bgy. Batasan Hills,QC.

Sa inisyal na report, dakong alas-12:40 ng madaling araw ay nagpahatid sa tricycle ang biktimang si Guerrero kasama ang misis na si Janine at nakipagkita sa kaibigang  nakilala lamang na Carlo sa  Munoz St., sa Batasan Hills sa lungsod.

Ayon sa  misis, habang naguusap ang kaniyang mister at si Carlo  ay bigla na lamang sumulpot ang isang motorsiklo na lulan ang tatlong suspek at pinagbabaril ang asawa.