Home>News>Nation>Ex-pulis dedo sa ambush

Ex-pulis dedo sa ambush

PATAY ang isang 59-anyos na retiradong pulis matapos tambangan at barilin ng di pa kilalang armadong suspek sa Chipeco Ave., Bgy. Halang, Calamba City, Laguna.

Binawian nang buhay habang nilalapatan ng lunas sa Pamana Hospital ang biktimang si Honorio Atienza Piamonte.

Ang biktima ay inambush sa Chipeco Avenue, Bgy. Halang, Calamba.

Ayon kay PLt. Col. Jonathan Villamor, dating nakadestino si Piamonte sa CIDG 4A, at residente sa naturang lungsod.

Dakong 6 p.m. ng Miyerkules ng maganap ang insidente.

Sinasabing sinamantala ng suspek habang aktong nagsasara ng kanilang gate ang biktima ng patraydor at malapitan itong pagbabarilin sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Isinugod ng kanyang pamilya sa naturang pagamutan ang biktima kung saan banawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas makalipas ang ilang oras.

Mabilis namang tumakas ang suspek patungo ng hindi pa mabatid na lugar makaraan ang pamamaril.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa tumakas na suspek.

Publication Source :    People's Tonight