Home>News>Provincial>48-anyos na lalaki namboso na naliligo sa banyo kalaboso

48-anyos na lalaki namboso na naliligo sa banyo kalaboso

ILOCOS Sur — Hinihimas-himas ngayon ng isang lalaki ang rehas ng kulungan matapos arestuhin ng mga tauhan ng Cabugao Police Station sa sumbong na pamboboso noong Lunes sa Bgy. Quezon, Cabugao.

Kinilala ang suspek na si Edison Ventura, 48, walang asawa.

Ang biktima ay 39 anyos, may asawa at nanarihan rin sa Bgy. Quezon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay naliligo sa banyo sa gilid ng kanilang bahay nang mapansin ng biktima na merong naka-usling ulo ng lalaki sa bintana na naninilip sa kanya.

Nang mapansin ng suspek na nabisto siya, agad itong tumalon sa konkretong bakod at mabilis na nagtatakbo palayo.

Nagsumbong ang biktima sa Cabugao PS na agad nagsagawa ng hot pursuit operation.

Nadakip ang suspek sa kanyang tahanan.

Ang suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng Cabugao PS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.kalaboso

Publication Source :    People's Tonight