Iza pinaiyak ni Sunshine dahil sa sorpresa

December 21, 2018
Iza Calzado and Sunshine Dizon
Iza Calzado and Sunshine Dizon

THEY were still little girls at wala pa sa showbiz si Iza Calzado ay magkaibigan na sila ni Sunshine Dizon dahil madalas kasa-kasama noon si Iza ng kanyang namayapang ama, ang dancer-choreographer at floor director na si Lito Calzado.  Ang pagkakaibigan nina Sunshine at Iza ay nagpatuloy hanggang pumasok na rin sa pag-aartista ang huli.  Unang nagkatrabaho sina Sunshine at Iza sa TV series na “Kung Mawawala Ka” in 2001 na tumagal hanggang 2003.  Ang nasabing serye na dinirek ni Joel Lamangan for GMA ay tinampukan din nina Cogie Domingo, Eddie Garcia, Hilda Koronel, Gloria Diaz, Liza Lorena, Princess Punzales, Raymond Bagatsing, Sharmaine Suarez, Ara Mina, Alessandra de Rossi at iba.

Lalong naging extra close sina Sunshine at Iza nang sila’y magkasama sa fantasy TV series ng GMA, ang “Encantadia” in 2005 na dinirek ni Mark Reyes at kung saan din naging tampok na mga bituin sina Karylle, Diana Zubiri, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi at iba pa.  Dito rin nagsimula ang special friendship nila nina Karylle at Diana.

Muling naging co-star sina Sunshine at Iza sa “Impostora” TV series in 2007 na lalo pang nagpatibay sa kanilang friendship.

In January 2012 ay nag-desisyon si Iza na lumipat ng ABS-CBN pero hindi naputol ang kanilang pagkakaibigan ni Sunshine na nanatiling Kapuso.

Pagdating sa mga special event ng kanilang personal na buhay ay hindi nawawala ang magkaibigan at kasama na rito ang bridal shower for Iza sa Bali, Indonesia and eventually sa kasal nito sa Filipino-British husband nitong si Ben Wintle na ginanap sa Club Paradise in Coron, Palawan nung nakaraang December 19 nang hapon.

For the longest time ay walang kaalam-alam si Iza na may tagubilin  ang kanyang namayapang inang si Mary Ann Usher kay Sunshine na isang diamond bracelet na ibibigay lamang umano nito kay Iza sa araw ng kasal nito na tinupad naman ng Kapuso actress.

At the wedding reception nina Iza at Ben, nagbigay ng mensahe si Sunshine (who was among the bridesmaids along with Karylle, Diana Zubiri, Grace Lee) sa bagong kasal particularly kay Iza na hindi lamang isang malapit na kaibigan ang kanyang turing kundi isang pamilya.  Dito rin niya inihayag ang matagal na niyang sikreto tungkol sa diamond bracelet ng namayapang ina ni Iza at saka ito inabot sa bride na hindi napigilan ang maiyak nang yakapin nito ang kaibigan.

Iza lost her mom to cancer 17 years ago when she was 19. Ten years later ay sumakabilang-buhay naman ang kanyang ama.

Ang pakiramdam ni Iza ay kapiling niya ang kanyang namayapang mga magulang dahil nakakabit sa kanyang bridal bouquet ang isang locket kung saan naroon ang larawan ng kanyang parents.  At sa araw din mismo ng kanyang kasal ay tinanggap niya ang surprise wedding gift ng kanyang late mother, ang diamond bracelet na ipinatago niya kay Sunshine all these years  And Sunshine kept her promise to Iza’s mom.