Yasmien kahanga-hanga

May 29, 2019
Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

KAHANGA-HANGA ang 30-year-old Kapuso singer-actress na si Yasmien Kurdi dahil sa kabila ng kanyang pagiging fulltime  wife to husband Rey Soldevilla,  Jr., mother to their 7-year-old daughter na si Ayesha Zara and successful TV actress ay nakaya pa rin nitong isingit ang kanyang pag-aaral.

Nito lamang Abril ay nagtapos si Yasmien ng kanyang ikatlong kurso in Political Science sa Arellano University bilang magna cum laude.  Bago ito ay nagtapos ang singer-actress ng Foreign Service at Nursing course sa New Era College.

Yasmien was 23 and at the peak of her career when she married then flight attendant-turned-pilot na si Rey Soldevilla, Jr. on January 25, 2012.  Ang dalawa ay nagkakilala sa loob ng eroplano kung saan isa sa passengers si Yasmien at flight attendant naman si Rey.  In November 2012 ay isinilang ni Yasmien ang una nilang supling ni Rey na si Ayesha Zara now 7 years old.

Tatlong taong gulang pa lamang noon si Yasmien ay kinakitaan na ito ng talent sa pagkanta at mahilig na itong sumali ng singing contest at an early age.

Isang Muslim ang Lebanese father ni Yasmien na si Mahammad Kurdi at Filipina naman ang kanyang inang si Miriam Ong-Yuson. The singer-actress spent her early years in Kuwait during the Gulf War at ang kanilang pamilya ay naranasang magpalipat-lipat ng iba’t ibang bansa tulad Iraq, Saudi Arabia, Lebanon, Syria at Jordan.  There was also a time na bumalik sila ng Pilipinas at namirmihan dito ng tatlong taon at bumalik lamang sila ng Kuwait nang matapos ang giyera.

Yasmien was 12 nang bumalik sila ng Pilipinas at dito na niya ipinakita ang kanyang interes sa showbiz na kanyang sinimulan sa pamamagitan ng product endorsements.

When she turned 17, nag-audition siya sa unang season ng reality talent search ng GMA, ang Starstruck where she landed first runner-up sa ultimate winners na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras at kasunod naman sila ni Rainier Castillo na una niyang naka-loveteam.  

She was at the peak of her career when she decided to turn her back on showbiz temporarily upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral in 2011.

Taong 2013 nang muling balikan ni Yasmien ang showbiz career sa GMA.

Ang buong akala ng marami ay mahihirapan nang makabalik si Yasmien dahil meron na itong asawa’t anak at 23 but she proved them wrong dahil nagtuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang karera.

Samantala, hindi naging madali para kay Yasmien nang kanyang pakasalan ang kanyang husband na si Rey in January 2012 dahil sa kanilang magkaibang religious affiliation.  Si Yasmien ay nasa Iglesia ni Cristo habang si Rey ay isang sagradong Katoliko.  Since hindi payag si Rey na magpa-convert sa Iglesia ni Cristo, si Yasmien na ang yumakap sa relihiyon ni Rey na naging malaking isyu sa ina ni Yasmien na si Miriam.  Nagkaroon ng gap ang mag-inang Miriam at Yasmien pero ito’y naayos nang dumalo si Miriam sa unang birthday party ng kanyang apong si Ayesha at tuluyan na rin nitong tinanggap ang kanyang manugang na si Rey.

Si Yasmien ay huling napanood sa family drama TV series na “Hiram na Anak” on GMA kung saan niya nakabituin sina Dion Ignacio at Leanne Bautista na dinirek ni Gil Tejada, Jr. at nagtapos sa ere nito lang nakaraang May 3.