6,368 guests

Vin, nalagpasan na ang kapatid?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 500
Vin Abrenica Vin Abrenica

UNTI-UNTI na ring gumagawa ng pangalan ang nakababatang kapatid ni Aljur Abrenica na si Vin Abrenica na na-discover sa pamamagitan ng reality talent search na “Artista Academy” ng TV5.  Naging co-winner niya sa naturang search ang dating kasintahan na si Sophie Albert.

Nang mag-expire ang kontrata ni Vin sa TV5 at mag-lie low sa local entertainment programs ang nasabing TV network, isa-isang nagsilipatan sa ibang network ang kanilang mga in-house talents. Kasama na rito si Vin na sinalo ng talent manager na si Noel Ferrer.

In 2015, naging visible na si Vin sa guesting sa iba’t ibang programa ng Kapamilya Network .

Although he considers 2016 a good year, kini-claim ni Vin na napakaganda ng pasok sa kanya ng Bagong Taon dahil meron siyang bagong teleserye (“Wildflower” with Maja Salvador) at magkakasunod na pelikula, ang “Extra Service” under Star Cinema along with other Kapamilya stars, a solo-lead role in T-Rex Entertainment’s  pre-Valentine offering, ang “Moonlight Over Baler” na dinirek ni Gil Portes and another movie, ang “Corpus Christi” na pinamamahalaan ni Toto Natividad.

Vin admits na very passionate siya sa kanyang craft kaya patuloy ang workshop na kanyang ginagawa sa bakuran ng ABS-CBN.
   
“I want to continue to learn new things.  Pinasok ko ang trabahong ito kaya dapat ilaan ko rito ang puso’t isipan ko,” diin niya.
   
Ang acting ni Vin ay napansin ni direk Gil Portes nang ito’y mapasama sa pelikulang pinagbidahan ng nakatatandang kapatid niyang si Aljur Abrenica, ang “Ang Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli” na dinirek din ng New York-based director.  Kaya ang sumunod na project ni Direk Gil,  ang “Moonlight Over Baler” mula sa panulat ng Palanca-award-winning writer na si Eric Ramos, ay si Vin na ang bida.
   
In his five-year-stint in showbiz, aminado ang 25-year-old na si Vin na pinaka-challenging role niya ang dual character na ginampanan niya sa “Moonlight Over Baler”dahil sa dalawang magkahiwalay at magkaibang personalidad na kanyang ginampanan, bilang si Nestor na isang Filipino USAFFE na sundalo na nakipaglaban during the Japanese occupation noong World War II at si Kenji, isang Japanese photo journalist and surfing enthusiast na bumisita ng Baler matapos niyang i-cover ang EDSA Revolution.
   
Meron din siyang dalawang leading ladies, sina Ellen Adarna at ang ex-GF niyang si Sophie Albert. Kasama rin nila si Elizabeth Oropesa.
   
Tampok din sa pelikulang “Moonlight Over Baler” sina Daria Ramirez, Menggie Cobarrubias, Angie Ferro, Kate Alejandro, Abel Estanislao, Aaron Yanga, Dennis Coronel, Alvin Fortuna, Jess Evardone, Juna Nayri at Blaine Medina.  Ito’y produced ng T-Rex Entertainment and distributed by OctoArts Films.
   
Samantala, ngayong patuloy ang pagganda ng career ni Vin, hindi maiwasan na ikumpara siya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Aljur.
   
“I still look up to him (Aljur) as my idol and inspiration,” deklara ni Vin  who also admires the likes of John Lloyd Cruz and Jericho Rosales bilang mahuhusay na actor.

BETH, ’DI NAWALA ANG KOMUNIKASYON KAY JUDAY

SA Amerika na naka-base ang dating “That’s Entertainment “ talent na si Beth Tamayo, isa sa closest friends ng misis ni Ryan Agoncillo na si Judy Ann Santos-Agoncillo.
   
Nagtungo ng Amerika si Beth in 2008 matapos ang kanilang hindi magandang break-up ng kanyang Chinese businessman (ex) husband na si Johnny Wong.  Hindi nagkaroon ng anak ang dating mag-asawa. Pero si Johnny ay may dalawang anak na lalaki sa kanyang ex-Filipina girlfriend bago niya pinakasalan si Beth.
   
After being based in New York City (USA) for several years ay nag-move si Beth sa California at meron na rin siyang bagong lovelife ngayon.
   
Sa kabila na magkalayo ang magkaibigan at magkumareng Juday at Beth, tuloy ang kanilang communication at nagkikita pa rin na ang pinaka-recent ay nang magkabasyon last year sa Las Vegas, Nevada ang mag-asawang Juday at Ryan.  There was also a time na nagbakasyon ang pamilya ni Juday sa New Zealand kung saan sumunod si Beth.
  
HULA: PAKAKASALAN NA NI MARK SI WINWYN

MARAMI ang humuhula na magpo-propose at mag-aasawa na sa taong ito ang actor-dancer na si Mark Herras sa kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez, anak ng estranged couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno.
   
At 30, tila handa na si Mark na suungin ang buhay may asawa lalupa’t ganap na siyang ulila sa mga magulang.
   
May anak na si Mark, si Ada Sofia Nicolette na isa pang nagpapasaya sa kanya pero iba umano ang support na nakukuha niya kay Winwyn who was with him sa kanyang trying moments.
   
Hindi ikinakaila ni Mark na si Winwyn na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay who brings out the best in him.

PAKIKIPAG-TRABAHO KAY DIREK JOYCE, REFRESHING PARA KAY VICE

ANG pagkamatay ng box office director na si Wenn Deramas noong isang taon ang  pinakamantindi ang impact sa comedian-TV host na si Vice Ganda. Hindi umano niya malaman kung paanong magsisimulang muli without Direk Wenn na hindi lamang niya naging paboritong director kundi isa sa malalapit niyang kaibigan.
   
Kaya, it was a refreshing experience na makatrabaho si Direk Joyce Bernal sa pelikulang “Super Parental Guidance” na pinagsamahan nila ng ‘bestie’ niyang si Coco Martin.  The movie broke Vice and Coco’s 2015 MMFF box office record sa “Beauty and the Bestie.” Nalagpasan ng “Super Valental Guidance” na umabot ng halos P600-M surpassing the over-P500-M ang kinita ng “Beauty and the Bestie” in 2015.

PANGGAGAYA KAY RICO J, HAMON KAY ALONZO

MA-JUSTIFY kaya ni Alonzo Muhlach ang susunod na music icon na kanyang gagayahin, ang Total Performer na si Rico J. Puno over the weekend ng ikalawang linggo ng  “Your Face Sounds Familiar”?
   
Excited ang bunso at ka-look-alike ng Original Child Wonder na si Nino Muhlach sa kanyang panggagayang gagawin kay Rico J. nood ng ganitong palabas. Ito raw ang mahigpit niyang babantayan.
   
TV host Boy Abunda  is quick to defend Mocha by saying “she deserves to be given a chance. Huwag po tayong mapanghusga”.
   
As for her salary, (which is not kalakihan) ido-donate daw ito ni Mocha sa Duterte’s Kitchen (DK).