Silang mga ‘killer’ ng Edsa 1

February 27, 2019

HUWAG na tayong magtaka kung nalusaw na ang diwa ng Edsa.

Kung mayroon mang mga taong naging sanhi ng pagkawala ng tunay na layunin ng 1986 People Power, iyon ay walang iba kung hindi sila ring mga naging instrumento ng pag-aaklas.

Sa loob ng 33 years, nasaksihan natin kung paano naging malakas, nanghina, naghingalo at hanggang sa malagutan ng hininga ang Edsa.

Iyong tunay na dahilan para maging inspirasyon sana ng publiko ang Edsa 1 ay hindi nangyari. Kasi naman, iyong inakusahan nilang magnanakaw na pinatalsik ay siya pang naging halimbawa ng mga magagandang ginawa para sa bayan.Ang dahilan, iyong mga pumalit ay nagmistulang tulisan na ginawang gatasan ang pamahalaan. Hindi sila nakitaan ng malasakit sa bayan bagkus ay nagpaligsahan sa nakawan, nagpatindihan ng impluwensiya habang pinababayaan ang bansa.

Aminin man natin o hindi, ngayong panahon  lamang ni Pangulong Duterte nagkaroon ng kinang ang mga pagawaing bayan. Mismong ang mga international observers ang nagsasabi na halos 50 years naiwanan ang Pilipinas sa mga infrastructure programs.

Kaya naman grabeng trapik sa mga urban centers sa buong bansa dahil nga wala naman silang ginawa matapos si Marcos kung hindi maging inutil.

Ang worst years ng bansa ay mula 2010 hanggang 2016 dahil kahit isang sako ng semento at tatlong balde ng buhangin ay walang nahalo ang Aquino administrasyon para sa mga proyekto.

Tingnan nyo mabuti ang Edsa people power monument sa Ortigas, hindi na siya naging simbolo ng tagumpay ng bansa bagkus ay nating icon na siya ng kawalang malasakit sa bayan.

Kaya nga habang lumalaon, pakonti nang pakonti na lang ang taong nakikipagdiwang sa kanila sa Edsa. Alam na alam nating lahat kung anong kulay na lang ang gustong magdiwang dahil ayaw nilang mawala ang kanilang relevance sa bayan.

Kung ginawa lang nila ang kanilang obligasyon matapos ang Edsa 1, baka iba ang sitwasyon nating lahat ngayon.

Condolence nga pala sa Edsa!
allanpunglo@gmai.com