Home>Entertainment>Showbiz>Alden nag-livestream para sa typhoon victims

Alden nag-livestream para sa typhoon victims

Alden Richards
Alden Richards, nag-livestream para makatulong sa typhoon victims

SA pamamagitan ng kanyang gaming livestream nitong Linggo ng gabi, nakalikom ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ng pera upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Tinatayang umabot sa mahigit P200,000 ang naipon ni Alden mula sa mga nag-donate ng “stars” sa naging laro niya ng Mobile Legends. Lahat ng natanggap niyang stars na may katumbas na halaga ay ido-donate niya para sa mga biktima ng bagyo.

Sa kanyang Twitter account, taos-pusong nagpasalamat ang Kapuso star sa mga sumali at nag-abot ng tulong: “Maraming salamat sa lahat ng nag donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe.”

Samantala, nakaabang na rin ang fans ni Alden sa kaniyang anniversary concert sa darating na December 8 — ang ‘Alden’s Reality.’ Almost sold out na ang tickets para rito kaya bisitahin na agad ang www.gmanetwork.com/synergy para alamin kung papaano maging parte ng kauna-unahang virtual reality concert sa bansa!

Ai Ai namigay ng relief goods sa Marikina

Aiai Delas Alas
Aiai Delas Alas, namigay ng relief goods sa Marikina

ISA ang The Clash judge na si Aiai Delas Alas sa mga artistang personal na naghatid ng tulong at inspirasyon sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ng Comedy Concert Queen ang kanilang relief operation sa Marikina.

“Hindi natutulog ang Panginoon. Salamat sa aking choreographer ng ilang taon na tinulungan kaming ipamahagi ang blessings ni Lord, Ron Sto. Domingo, [at] sa kanyang kapatid at asawa, Marlon and Ruby Gamboa na pinagamit ang house nila para sa relief goods, at syempre pa si Kapitan Ziffref Ancheta at kaniyang mga tao. #fighting #kayanatento,” ani Ai Ai sa caption.

Isa si Ai Ai sa showbiz personalities na matagal nang tumutulong sa mga nangangailangan. In fact, tumulong siya sa pagpapatayo at pagtataguyod ng isang simbahan sa Quezon City.

Rocco sumama sa Philippine Navy at Marine para sa tumulong

Rocco Nacino
Rocco Nacino, naghatid ng tulong sa Rizal kasama ang Philippine Navy at Philippine Marine Corps

NAKIISA naman ang Kapuso actor at navy reservist na si Rocco Nacino sa pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Dela Costa 5, Rodriguez, Rizal noong Linggo, November 15.

Inilunsad ng team S.T.A.R.S. ng Philippine Navy at Philippine Marine Corps ang relief operation kung saan halos 2,000 katao ang nabigyan ng relief packs at iba pang essentials tulad ng damit na idinonate ng BCMC Class 01-20 Batch Dakila.

Samantala, dumulog din si Rocco sa social media upang makalikom ng donasyon para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Post niya sa Instagram, “Sa mga Kapusong handang tumulong, nandito muli ang @gmakapusofoundationph para iparating ang tulong ng taong may gintong puso para sa mga nasalanta ang kabuhayan, tirahan at mga naulilang mahal sa buhay. Kaisa ang GMA Kapuso Foundation sa pagabot ng tulong sa marami nating naapektuhang kababayan. Maraming Salamat, mga Kapuso! We can do this.”

Para sa mga nais mag-donate, bisitahin lang ang: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate

Duet nina Julie Anne at Rita sa The Clash certified trending

Julie Anne San Jose and Rita Daniela
Duet nina Julie Anne at Rita, pinusuan ng netizens!

CERTIFIED trending ang matagal nang nire-request ng fans na duet performance nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Rita Daniela sa The Clash!

Nitong weekend, binigyan nila ng jazz na twist ang holiday song ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas Is You,” kung saan complete with flapper dresses ang suot nila. Sey ng isang netizen, “Total performers indeed! JulieRit did a great job! Just amazing!”

Samantala, pahigpit nang pahigpit ang laban sa pagpapakilala ng Top 12 Clashers na sina Jessica Villarubin, Renz Robosa, Princess Vire, Jennie Gabriel, Cholo Bismonte, Sheemee Buenaobra, Fritzie Magpoc, Niña Holmes, Yuri Javier, Larnie Cayabyab, Audrey Mortilla, at Shannen Montero. Sino kaya sa kanila ang susunod na tatanghaling Grand Champion?

Subaybayan ang mainit na laban sa The Clash, every Saturday (7:15 p.m.) and Sunday (7:45 p.m.) sa GMA-7.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal