Home>Entertainment>Showbiz>Bagong show ni Kris muling nagkaproblema

Bagong show ni Kris muling nagkaproblema

Kris Aquino
Kris Aquino

UNTI-UNTING bumabalik ang mga product endorsement ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino na mahigit apat na taon na ring wala sa telebisyon.

Makailang beses na ring naudlot ang pagbabalik-telebisyon ni Kris na ang pinakahuli ay mapapanood sana simula nung July 25 sa TV5, ang “Love Life with Kris Aquino” na ipu-produce ng isang independent producer pero ito’y nakansela.

Kris is now being managed by Cornerstone Entertainment who is line-producing several shows for Brightlight Productions ng businessman na si Albee Benitez. Hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay ang production company ni Albee ang magbabalik kay Kris sa telebisyon.

Si Kris ay huling napanood sa TV nung April 15, 2016 sa “Kris TV” sa ABS-CBN na tumagal sa ere ng limang taon. Hindi tinanggal ang programa kundi si Kris mismo ang nagpaalam due to health reasons. But when she was ready na bumalik sa telebisyon ay nakapag-create na ang Kapamilya network ng bagong daily morning show, ang “Magandang Buhay“ hosted by Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na mahigit apat nang nasa ere and rating well.

There was also an attempt na i-produce si Kris ng isang talk show (by Willie Revillame?) sa GMA pero hindi ito natuloy.

Mr. Fu, Cristy Fermin and Lolit Solis
Mr. Fu, Cristy Fermin and Lolit Solis

Samantala, balik na naman ang pagiging controversial ni Kris matapos umano nitong tanggihang makasama sa isang online show ang radio DJ at dating TV host-comedian na si Mr. Fu (Jeffrey Espiritu in real life), gayundin sina Manay Lolit Solis at Cristy Fermin.

Hindi rin naibigan ni Cristy ang gustong mangyari ni Kris kaya siya (Cristy) mismo ay umayaw na tanggapin ang bagong online show.

Sina Manay Lolit at Cristy ay parehong nakatrabaho na ni Kris. Si Manay Lolit ay nakasama ni Kris sa una nitong talk show with Boy Abunda, ang “Startalk” sa GMA habang si Cristy naman ay nakatrabaho ni Kris sa “The Buzz” also with Boy ng ABS-CBN. Pero hindi pa umano nakatrabaho si Mr. Fu kaya hesitant ang actress-host na isama ang huli bagay na inalmahan ni Cristy.

Sobra naman ang pasasalamat ni Mr. Fu kay Cristy sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya at pagsakripisyo na hindi tanggapin ang programa.

Speaking of Mr. Fu, nakuha nito ang kanyang screen name nung ito’y nagta-trabaho pa bilang news reporter ng RPN9 mula sa salitang “Mr. Follow Up”.

Si Mr. Fu ang nagpauso sa salitang “me ganun or me ganern” na na-identify sa kanya.

Si Mr. Fu ay nagtapos sa University of Santo Tomas Faculty of Arts and Letters. Pinasok naman niya ang pagiging disc jockey ng isang FM station at lumipat sa GMA’s QTV bilang isa sa hosts ng “Tweetbiz” along with Tim Yap at Sam YG na isa ring radio DJ-host. In 2010, lumipat siya ng TV5 at naging co-host ni Joey de Leon sa “Wow, Meganon” na hango “Wow, Mali!” ni Joey at favorite expression ni Mr. Fu na “me gano’n?”. Naging co-host din siya ng “Paparazzi” talk show ng TV5 in 2011. Naging host din siya ng unang reality show ng TV5, ang “Dream Academy: Breaktime” with Valeen Montenegro. In 2013, pinagsama sila ni Valeen sa isang game show ng Kapatid network, ang “Jeepney Jackpot” kung saan din nila kasama ang dating EB Babe at Amazing Race Philippines participant na si Saida Diola.

Kolumnista rin ng isang kilalang broadsheet si Mr. Fu.

Dimples ibinahagi ang pag-aasawa ng kapatid

MAY asawa na ngayon ang younger brother ng actress na si Dimples Romana, ang ex-PBB housemate (Teen Edition 1)-turned-actor na si Bam Romana.

Last November 5 ay ibinahagi ni Dimples sa kanyang Instagram account ang pagpapakasal in civil wedding rites ni Bam sa fiancée nitong si Kriselle Villanueva who has a daughter (named Anisha) sa dati nitong karelasyon. Bam and Kriselle got engaged habang sila’y nagbabakasyon in Bangkok, Thailand nung August 2019 at ikinasal naman nung nakaraang buwan.

Kris B mapapanood sa isang Kapamilya show

PARATING nakatutok ang dalawa kong pamangkin na sina Lorena at Glenda Esperas at ate kong si Mana Meriam sa primetime TV drama series na “Ang Iyo ay Akin” sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, iWant TFC at sa Kapamilya Online Live at iba pang platform kung saan tampok na mga bituin sina Jodi Santa Maria (as Marissa Pineda), Iza Calzado (as Ellice Cenedoza-Villarosa) at Sam Milby (as Gabriel Villarosa)kasama si Maricel Soriano (bilang si Luciana `Lucing’ dela Cruz-Pineda), ina ni Marissa played by Jodi. Kasama rin sa serye sina Simon Ibarra, Carla Martinez, Cheska Inigo, Nico Antonio, Alvin Anson, Tart Carlos, Jimmy Marquez, Paulo Angeles, Michelle Vito, Aya Fernandez at iba pa. Pero habang tumatagal ang serye ay may mga bagong character ang ipinapasok tulad nina Rita Avila, Joseph Marco, Grae Fernandez, Kira Balinger at iba pa. And surprise, mapapabilang din dito ang character na gagampanan ng (dating) Kapuso actress na si Kris Bernal na free lancer talent na ngayon matapos mag-expire ang management contract nito with GMA Artists Center a couple of months ago.

Marvin hindi inabandona si Jolina

KLINARO ng actor-restaurateur nasi Marvin Agustin na hindi umano siya nag-back out sa reunion movie nila ng (dating) ka-loveteam na si Jolina Magdangal. Naghahanap lamang umano siya ng mas magandang project para sa kanilang dalawa lalupa’t matagal na silang hindi nagsasama sa pelikula. Sina Marvin at Jolina ay huling napanood sa TV series na “Flordeliza” in 2015 at last movie naman nila ang “Hey, Babe” in 1999.

Regular na nag-uusap sina Marvin at Jolina na nanatiling magkaibigan through the years.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger