Home>Entertainment>Showbiz>Derek tinitikman muna ang inilalabas ni Andrea

Derek tinitikman muna ang inilalabas ni Andrea

Andrea Torres
Andrea Torres

ISA ang actress na si Andrea Torres sa mga celebrity na nagsimula ng kanilang food business sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inilunsad ni Andrea ang Family Favorites na nago-offer ng iba’t ibang Pinoy dishes (but with a twist).

Ikinuwento ni Andrea sa Kapuso Brigade Zoomustahan na tinutulungan siya ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay sa pag-manage ng kanyang business.

“Natikman niya lahat ‘yon bago ko talaga nilalabas. Kahit itong mga bagong nilabas ko, pinapatikim ko muna sa kanya saka sa family niya. Kasi every Sunday, may gathering kami. So, dinadala ko du’n tapos hinihingi ko nga ‘yung mga reaksyon nila,” aniya.

Dagdag pa ng Kapuso star, si Derek din daw ang nakakatulong sa kanyang kumalma tuwing siya ay nai-stress.

“Ako kasi mahilig ako mag-plan ng mga bagay-bagay. Siya ‘yung nagpapaalala sa akin na relax ka lang, okay lang ‘yan kasi ako kapag medyo may hindi lang nasunod sa plano, minsan nagpa-panic na ‘ko. Siya ‘yung bumabalanse sa akin.”

Julie Anne may mahigit nang 120 million streams

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

NOMINADO si Julie Anne San Jose sa mga kategoryang ‘Wishclusive Contemporary R&B Performance of the Year’ at ‘Wish R&B Song of the Year’ sa 6th Wish Music Awards.’

Bukod dito, isa pang magandang balita ang ibinahagi ng Universal Records sa kanilang Twitter account dahil mayroon nang mahigit 120 million streams ang mga kanta ng award-winning artist sa Spotify.

Kahanga-hanga rin ang performance ni Julie Anne sa music video ng local cover ng “Rocket To The Moon,” ang theme song ng 2020 animated film na Over The Moon. Sa ngayon, mayroon na itong mahigit 246k views sa official Facebook page ng Netflix Philippines.

Aicelle baby girl ang ipinagbubuntis

Aicelle Santos
Aicelle Santos

“IT’S a girl!” ang masayang caption ng Kapuso singer na si Aicelle Santos sa Instagram post niya kung saan makikita ang gender reveal nila ng asawang si Mark Zambrano.

Sa hiwalay na post ni Mark, ibinahagi nito na excited na silang makilala ang kanilang baby girl, “BABY Z IS A GIRL!!! Mommy and daddy can’t wait to see you my little princess! We promise to make you see as much of this beautiful world as we can. Our lives will be full of love, laughter, sports, music, and no boys!!! We love you, anak!!”

Ibinahagi rin ni Aicelle ang ilang maternity pictures niya na pinusuan ng kanyang celebrity friends at fans. Say ng Centerstage judge, “Oh the joy of carrying you inside me, anak! #8mos.”

Christian aminadong hindi madali maging judge

Christian Bautista
Christian Bautista

NAGING madamdamin ang Instagram post ng ‘The Clash’ panel na si Christian Bautista kamakailan. “It is not easy. A stranger telling me that someone else deserves the stage more than me. That the level I have to reach was not attained during my performance today…I can assume that some of the contestants may feel this way.”

Bilang isang judge, mabigat ang responsibilidad nila na mag-desisyon kung sino ang mananatili sa kompetisyon. Saad niya, ”I find it hard to bring upon a decision that will alter the course of someone’s life. It also is not easy. I have been there myself once, in their shoes.”

Pagtatapos ni Christian, “It is okay to feel the loss…but hopefully only for a while. I hope that I may hear them say to themselves again, as I have said to myself, ‘It does not feel good to lose, to be beaten, but I will learn from this. I will be better. I will try again. I will believe that the purpose of my life will prevail.’ With faith, hope, passion, persistence and drive, you will find your way again.”

Winwyn proud sa military reservist batchmates niya

Winwyn Marquez
Winwyn Marquez

MAY appreciation post ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez para sa kaniyang mga batchmate na military reservist na sumailalim din sa training ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ibinahagi ni Winwyn ang naging life-changing experience niya rito, “So much respect for my batch and for everyone who went through this training. Pinush ng lahat para matapos kami nang sabay-sabay… Hindi ko ma-explain ang pinagdaanan namin. After ng field training, mixed emotions talaga ako pero I feel like a different person now — I feel stronger than ever. Mate-test ka talaga sa tatag mo… If only I can post all the photos and show all their faces dahil gusto ko ipagmalaki ang batch ko sa inyo.”

Dagdag pa ng aktres, worth it ang lahat ng pagod, iyak, at paghihirap na kanyang naranasan para maging ganap na military reservist.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal