Home>Entertainment>Showbiz>Dingdong kay Jennylyn: ‘Excellent, effective’

Dingdong kay Jennylyn: ‘Excellent, effective’

Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes

SALUDO si Dingdong Dantes sa leading lady na si Jennylyn Mercado sa pagtatapos ng kanilang taping para sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun.

Sa Instagram post ng aktor, makikita ang dalawa na nagbabasa ng script kasama ang kanilang director na si Dominic Zapata para sa last scene ng kanilang mga karakter bilang sina Capt. Lucas (Dingdong) at Dra. Maxene (Jennylyn).

Post ni Dingdong, “A snappy salute to @mercadojenny for such an excellent and effective performance! Maraming salamat. “Pass your papers” na kami.”

Sa pagtatapos ng kanilang taping, hindi napigilan ni Dingdong na magbalik-tanaw sa kanyang karakter. Sa isang farewell post ay pinakita niya ang combat boots na kanyang ginamit para sa kanyang karakter, “Been wearing these boots for almost a year now to give life to Capt. Lucas Manalo. Now, it is time to loosen these laces to make way for the next journey. Mission accomplished!”

Mapanood na ang fresh episodes ng ‘DOTSPh’ sa pagbabalik-telebisyon ng well-loved GMA series.

Anak nina Rodjun at Dianne nasa social media agad

Rodjun Cruz, Dianne Medina and baby Rodolfo Joaquin Diego III
Rodjun Cruz, Dianne Medina and baby Rodolfo Joaquin Diego III

ISINILANG noong Huwebes, September 10, ang healthy baby boy ng actor-dancer na si Rodjun Cruz at actress-TV host na si Dianne Medina na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III.

Kaagad inanunsyo ng mag-asawa ang magandang balita sa social media at agad itong inulan ng mga congratulatory greetings mula sa fans at kapwa celebrities.

Sa unang photo na ibinahagi ng aktor sa Instagram, inilahad niyang umaapaw ang saya na kanyang nararamdaman, “Welcome to the World Rodolfo Joaquin Diego III. I Love you so much my Son @babyjoaquinilustre! I will hold your hand Forever & guide you every step of the way!”

Nagpasalamat sina Rodjun at Dianne sa safe delivery ng kanilang anak at excited na silang iuwi ang baby boy sa kanilang bahay.

Mavy at Cassy ano ang mga ‘di napagkakasunduan?

INAMIN ng Legaspi twins na sina Mavy at Cassy na may mga bagay silang hindi napagkakasunduan sa isang livestream video kasama ang kanilang mommy na si Carmina Villarroel.

Hindi naman daw sila madalas magtalo pero minsan ay may mga desisyon sila na hindi nagugustuhan ng isa’t isa.

Paliwanag ni Mavy, “Siguro ‘yung type of fighting namin ni Cassy is kung upset kami sa decisions ng twin.”

Kuwento naman ni Cassy, “We don’t really fight. Walang fights or whatever. This only happens when Mavy wants to protect or defend me or something. I don’t know how to explain it.”

Patuloy na napapanood ang dalawa kasama ang parents na sina Carmina at Zoren Legaspi sa fresh episodes ng “Sarap ‘Di Ba?” tuwing Sabado sa GMA.

Benjamin bilib sa new normal set-up

Benjamin Alves
Benjamin Alves

SA Instagram post ng actor na si Benjamin Alves, ibinahagi niya na malapit nang mapanood ang pinakabagong offering ng GMA-7 na ‘I Can See You.’ Bibida si Benjamin sa third installment ng drama anthology na ‘The Promise’ kung saan makakasama niya sina Paolo Contis, Andrea Torres, at Yasmien Kurdi.

Pinasalamatan niya ang GMA production team sa pagpapanatili ng safety ng lahat ng nasa set, “Great to be back on set! We were privileged enough to be one of the first to work under our “new normal” conditions. Applause to our GMA production for ensuring all of us are safe and prepared on set. Tuloy tuloy na to mga Kapuso! Excited na kami makasama kayo gabi gabi.”

Ang ‘I Can See You: The Promise’ ay kwento ng isang byudong multi-millionaire na si Frank Agoncillo (Paolo) na mahuhulog ang loob sa isang aspiring artist na si Ivy Teodoro (Andrea). Si Benjamin ay gaganap bilang si Jude Agoncillo na pinsan at right-hand man ng karakter ni Paolo.

Mapapanood ang ‘I Can See You’ ngayong Setyembre sa GMA Telebabad.

Mga anak ni Camille nagkaroon ng mood swings dahil sa lockdown

Camille Prats
Camille Prats and kids

NAGBAHAGI ng ilang parenting tips ang Mars Pa More host na si Camille Prats para i-handle ang mood swings ng mga anak habang naka-quarantine sa bahay.

Sa kanyang interview sa Unang Hirit, ikinuwento ng Kapuso actress na maging ang kanyang mga anak ay nagiging iritable kung minsan dahil sa ilang buwan na pamamalagi sa bahay.

Aniya, “Napansin namin na ‘pag lagi lang sila nasa house, parang ‘yung mood nila iba. Mabilis mainis, mabilis umiyak, na hindi naman sila typically na ganun. Parang tayo ring matatanda, na naiinip at kung anu-ano na.”

“They probably feel the same. So, kapag may chance talaga, minsan umiikot kami sa kotse lang para lang may iba silang nakikita ‘tapos uwi na ulit–just so they can see something else aside from the four corners of the house,” dagdag pa niya.

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal