John Lloyd ’di raw nagustuhan ang ginawa ng producer

October 07, 2019
John Lloyd Cruz

JOHN Lloyd Cruz has a special participation in Culion. A relevant film written by Ricky Lee meant for the Metro Manila Film Festival. Is he testing the waters sa magiging reaction ng balana and convince him to stage a comeback?  

Pero ayon sa isang report, mukhang hindi raw nagustuhan ni John Lloyd ang paraan ng pagpo-promote ng naturang pelikula. Parang pinalalabas daw na napakalaki ng kanyang role gayong guest lang naman siya roon.

Well, for somebody like John Lloyd na mapasama sa isang pelikula while fans are clamoring for his return, hindi namin masisisi ang producer nito. Matagal na siyang hinihintay ng fans pagkatapos ng dalawang taong pagkawala.

But then, sana rin ay sumunod sila sa kung ano ang napag-usapan. Yun nga lang, with such title, parang alam na namin kung ano ang mangyayari sa pelikulang ito sa takilya. 'Wag naman sana.