5,000 taxi franchise bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board

January 14, 2019
Taxi

LIMANG libong franchise ng taxi ang plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na buksan para masulusyunan ang nararanasang kakulangan ng masasakyang taxi.

Ito ang inanunsuyo ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, sa kanilang social media account Facebook, kahapon ng hapon.

Ayon pa kay Delgra, bukad sa plano ng pagbubukas ng 5,000 franchises ng taxi, marami na ring bumibiyaheng mga Transportation Network Vehicle Service o (TNVS) ang nagseserbiyo ngayon sa Metro Manila.

“Gusto naming dagdagan ang bilang ng mga public utility vehicles sa mga kalsada, (taxi) upang makapagserbisyo sa mga pasahero sa kalsada,” saad ni Delgra.

Sa hiwalay na interview sinabi ng mga members ng Metro Manila Taxi Operators (MMTO) welcome development ang pahayag ni Delgra sa taxi industry.

Matagal ng hinihintay ito ng mga taxi operators, at talagang magandang balita ito para sa aming mga operators na matagal ng gustong mag expand o magdagdag ng mga units dahil nga talagang kulang na kulang ang mga taxi sa kalsada para mag serbisyo sa mga pasahero, saad ng (MMTO).

Sang-ayon naman ang Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) sa sinabi ni Delgra tungkol sa plano ng LTFRB na buksan ang franchise ng taxi.

Kaming mga commuters ang direktang makikinabang dito kaya sana bilisan, saad ng PCMA.