Home>News>Metro>Validity ng registration, licenses sa MECQ areas extended

Validity ng registration, licenses sa MECQ areas extended

INANUNSYO ng liderato ng Land Transportation Office (LTO) na extended ang validity of registration at licenses sa National Capital Region (NCR) at ilang piling lugar na sumailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine from April 12 to April 30, 2021.

Walang fines at penalty na sisingilin sa mga car owners at mga driver’s license individuals na sakop ng order.

Sa advisory ng agency tigil operations pa rin ang LTO-NCR, East at West at mga sakop na offices, district offices, licensing offices at regional offices hanggang April 30, 2021.

Ang order ay nilabas ni Transportation Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvate, matapos isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang NCR Bubble plus at ilang pang mga lugar from April 12 to April 30, 2021.

Nauna nang nagbigay ng extension ang agency noon March 29, 2021 nang isailalim sa Enhanced Community Quarantine noong March 28 hanggang April 11, 2021 ang NCR Bubble plus.

Ayon sa scheduled lahat ng vehicle ending 3, expired sa panahon ng ECQ at MECQ hanggang June 30, 2021 and extended validity, ang ending 4 naman ay hanggang July 31, 2021 and extended validity.

Ang lahat din ng mga driver’s licenses at conductor’s licenses na expired sa panahon ng ECQ at MECQ (March 29 to April 30,2021) ay extended hanggang July 31, 2021.

Umaasa ang agency na sa pag-resume ng operations ng agency masusing susunod ang lahat para ma-observe ang health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight