Mixed reactions sa bagong pagkuha ng driver’s license

July 07, 2020

UMAASA ang isang expert at chief sa Land Transportation Office na maganda ang magiging resulta ng bagong sistema sa pagkuha ng student´s permit at driver´s license.

Ayon sa nasa ing expert, nakikita nya na ang full implementation ng 15-hour theoretical course sa August 3, 2020 ng agency bago makakuha ng student´s permit ay malaki ang maitutulong sa wisdom, intellectuality at discernment ng isang individual upang kumilos, mag-isip at magpasya sa proper driving sa traffic rules.

Naniniwala ang nasabing expert na sa pagsalang pa lang sa theoretical course malalaman na kung dapat ba o hindi bigyan ng student´s permit ang isang individual.

Dagdag pa niha na talagang masasala kung sino at hindi ang dapat mabigyan ng permit para makakuha ng driver´s lincese.

Nakikita ng expert na talagang kailangang maipasa ng isang individual ang theoretical course bago ito bigyan ng permit upang masiguro kung dapat ba o hindi mabigyan ng license ang isang individual.

Sinalungat naman ito ng isang commuter at transport group advocate, ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), at sinabing hindi sapat ang 15-hour course upang tumatak at maisiksik lahat ang mga traffic rules and regulations gayun din ang mga morale values at issues sa pagmamaneho.

Tinanong din ni Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, kung bakit kailangang ipasa sa mga driving school establishments ang pagkuha ng theoretical course at magbayad ng libo libo bilang enrollment fees.

“Ayon kay Inton, nagpadala na agad ng sulat ang LCSP sa TESDA kaugnay ng isyu para wala nang gastos para sa mga nais magmaneho. “Maliban sa mga accredited driving schools ay mag-offer ang TESDA o mga LGU ng driving lessons. Pa-accredit nila sa LTO at libre pa nila makukuha ang mandatory na 15-hour theoretical course,” aniya.

Sana ay ma-konsidera ng LTO ito para naman yung mga hindi makakayanan ang enrollment fee sa mga accredited driving schools ay may pag-asa naman na makakuha ng lisensya sa legal na paraan,”saad ni Inton.