Home>News>Nation>Prov’l buses dagdag-ruta

Prov’l buses dagdag-ruta

ALINSUNOD sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na magbukas ng mas maraming ruta ang nga pampublikong sasakyan, nagbukas ang LTFRB ng karagdagang ruta para sa mga provincial buses mula Pampanga at Davao patungong Metro Manila.

Ito ay ayon sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng buong Gabinete na aprubahan ang mga rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) na naglalayong makatulong sa pagbangon ng ekonomiya.

Nakasaad sa Memorandum Circular 2020-051 ang pagbibigay-daan ng LTFRB sa pagbubukas ng provincial bus routes papasok ng Metro Manila.

Bawat ruta ay dumaan sa masusing pag-aaral ng ahensya at sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan.

Narito ang mga binuksang provincial bus routes:

1. Dau, Mabalacat, Pampanga – Araneta Center, Cubao

2. Davao City, Davao Del Sur – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna Mayroong 5 units para sa ruta ng Dau, Mabalacat, Pampanga papuntang Araneta Center, Cubao, samantalang 14 units naman ang pinayagan para sa ruta ng Davao City, Davao Del Sur hanggang Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna.

Mananatili naman ang mahigpit na pagpapatupad ng 7 commandments para sa mga pasahero, drayber, operator at konduktor ng pampublikong transportasyon:

1. Magsuot ng face mask at face shield

2. Bawal ang pagsasalita, pakikpag-usap o pagsagot ng telepono

3. Bawal ang pagkain

4. Kailangang may sapat na ventilation

5. Kailangang may frequent disinfection

6. Bawal magsakay ng symptomatic passenger

7. Kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing (one seat apart)

Ang mga health and sanitation protocols na ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng mga health experts na kinakailangang isapuso at sundin ng mga pasahero, driver, konduktor, at maging ng mga operator.

Patuloy na magbubukas ang LTFRB ng mga bagong ruta ng PUV sa mga susunod na araw.

Sa hiwalay na interview, sinabi ng officers and members ng PBOAP na welcome ang development na ito.

Mungkahi rin ng grupo na magandang maipatupad ang terminal to terminal policy upang matiyak na seryosong maipatupad ang health protocol para sa safety kapwa ng drivers, conductors, at mga commuters.

Ayon kay Engineer Alex Yague, Executive Director ng PBOAP sa terminal to terminal policy, mabilis at madaling masagot ang maraming tanong sakaling magkaroon ng problema tungkol sa isyu ng COVID-19.

Sa terminal to terminal isang sakay isang baba lang identified agad kung sino ang mga pasehero, saan nakatira, saan galing at saan papunta, very easy ang tracing, saad n i Yague.

“Kung mayroong pasahero na mataas ang body temperature na gustong bumiyahe dahil terminal to terminal madaling mapigil ito,” saad ni Yague.

Umaasa kami posibleng ito na ang simula para makabalik lahat ang provincial buses routes sa kanilang biyahe, saad ni Yague.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight