5,670 guests

14-anyos pisak sa 14-wheeler dahil sa P5!

  • Written by Itchie G. Cabayan
  • Published in Top Stories
  • Read: 312

DAHIL lamang sa P5, patay ang isang 14-anyos na lalaki matapos siyang magulungan ng isang 14-wheeler truck sa  Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jason Seseño, residente ng  Tondo, Maynila.

Arestado naman ang truck driver na si Crisologo Tacliad. Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Nangyari and aksidente ganap na alas-9 ng gabi sa Road 10 malapit sa gate ng Pier 16 kung saan nagmamando ng trapiko si Seseño kapalit ng P5 sa bawat dumaraang truck driver.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Traffic Division, sakay ng kanyang truck ang suspect at nakapila para makapasok sa gate ng Pier 16 upang kumuha ng container van.

Bumaba umano ang suspect at inabutan ng P5 ang biktima at muling sumakay at pinaandar ang truck.
    
Lingid sa kaalaman ng driver, naiipit ang paa ni Seseño sa isa sa mga gulong ng truck hanggang sa matumba ito at magulungan hanggang sa mapisak.
    
Agad namang inaresto ng mga rumespondeng pulis ang driver ng truck.